Mga Karapatan ng PWD sa Trabaho sa Ilalim ng Batas
Kakayahan Mo, Karapatan Mo
Republic Act 7277, o Magna Carta for Disabled Persons
Ito ay isang mahalagang batas na nagbibigay proteksyon at suporta sa mga indibidwal na may kapansanan sa Pilipinas. Mahalaga para sa mga trabahador na PWD na malaman at maunawaan ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas na ito.
Sa pag-unawa sa mga probisyon ng batas, mas madaling matiyak na sila ay nakakatanggap ng tamang pagtrato sa lugar ng trabaho at may pantay na oportunidad tulad ng ibang mga manggagawa. Higit sa lahat, ang kaalamang ito ay nagbibigay kapangyarihan sa kanila upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan at magtagumpay sa kanilang mga propesyonal na landas.

Narito ang mahahalagang seksyon ng batas na tumutukoy sa mga karapatan sa trabaho ng mga indibidwal na may kapansanan:
Section 5:
Equal Opportunity for Employment
Tinitiyak ng batas na walang diskriminasyon sa pagkuha, pagtanggap, at promosyon sa trabaho batay sa kapansanan. Ang mga may kapansanan ay binibigyan ng pantay na oportunidad sa pagkuha ng trabaho, basta’t sila ay kuwalipikado para dito.
Section 6:
Sheltered Employment
Para sa mga taong may kapansanan na hindi kayang magtrabaho sa regular na sitwasyon, ang batas ay nagbibigay ng karapatan sa sheltered employment o mga trabaho sa protektadong lugar kung saan ang mga kondisyon ay iniakma upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Section 7:
Apprenticeship and Learnership
Ang mga indibidwal na may kapansanan ay may karapatang sumailalim sa apprenticeship at learnership programs upang sila ay matuto at magkaroon ng sapat na kasanayan para sa trabaho. Ang mga ganitong programa ay dapat na accessible sa mga may kapansanan at walang diskriminasyon.
Section 8:
Incentives for Employers
Upang hikayatin ang mga kumpanya na tumanggap ng mga empleyadong PWD, ang batas ay nagbibigay ng mga incentive o insentibo para sa mga employer na magha-hire ng mga PWDs. Ang mga kumpanyang tumatanggap ng mga PWD ay maaaring makakuha ng mga tax deductions o iba pang benepisyo mula sa gobyerno.
Section 9:
Vocational Rehabilitation
Ang batas ay nagsasaad din ng karapatan ng mga may kapansanan sa vocational rehabilitation o pagsasanay upang sila ay makakuha ng sapat na kakayahan at kaalaman para sa mga trabaho. Ito ay makakatulong upang mas marami pang oportunidad sa trabaho ang bukas sa kanila.
Section 10:
Discrimination on Employment
Mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang diskriminasyon sa trabaho batay sa kapansanan. Kabilang dito ang pagtanggi sa aplikasyon sa trabaho, hindi makatarungang pagkakatanggal, o hindi makatuwirang paglimita sa tungkulin ng isang may kapansanan sa lugar ng trabaho.
Section 11:
Reasonable Accommodation
Nakasaad din sa batas ang pangangailangan para sa mga employer na magbigay ng reasonable accommodation sa mga PWDs, tulad ng mga makatuwirang pagbabago sa lugar ng trabaho, oras ng trabaho, o mga kinakailangang kagamitan upang matugunan ang kanilang pangangailangan.